Nagsimula ang istorya kay Amihan, isang batang lumaki sa mundo ng mg tao. Batid nya ang kaibahan nila ng kanyang ama sa ibang tao ngunit hindi ito tuwirang ipinaliliwanag sa kanya. Hindi sya pinapayagang makipaglaro ni makihalubilo sa ibang mga bata. Sa halip na mag-aral sa paaralan at magbasa ng libro, pinilit sya ng ama na pag-aralan ang paghawak at paggamit ng espada at minsan nila itong pinagtaluhan.
Si Raquim ang ama ni Amihan, isang minero. Iba si Raquim sa kanyang mga kasamahan dahil palagi syang nakakakuha ng ginto, di gaya ng ibang minero. Nagkaroon ng usap-usapang may kaibigan syang dwende na nagbunsod sa pagkainggit ng ibang mga minero kaya't nisip nilang maghiganti. Binalak nilang saktan si Amihan pero di nila ito nagawa nang bigla itong nawala sa kanilang paningin na para bang sumama ito sa hangin.
Kinuwento ito ni Amihan sa ama. Nang nalaman ni Raquim ang nangyari, kinuha nya ang kanyang espada at binura sa alaala ng mga minero ang mga pangyayari sa pamamagitan ng mahika. Sa halip na ipaliwanag, binuklat nya ang mapa ng Encantadia at isinalaysay ang alamat nito; Ang apat na kaharian at ang apat na brilyanteng pinangangalagaan ng bawat isa, Ang digmaang pinasimulan ng isa sa mga kaharian laban sa tatlo pang iba upang masakop ito at makamkam ang mga brilyante, at kung paanong ang apat na brilyante ay bumagsak sa pangangalaga lamang ng iisang kaharian.
Isang babala ang natanggap ni Amihan sa kanyang panaginip. Isang magandang babae ang sumalo sa kanya mula sa pagkahulog at binalaan sila tungkol sa nakaambang panganib. Kailangan nilang tumakas ngunit dumating na ang mga kalaban. Gusto nilang umanib sa kanila si Raquim pero di ito pumayag kaya't naglaban sila na ikinasawi nya. Minalak ring paslangin ng mga kalaban si Amihan subalit nawala ito kasama ng hangin. Nang umalis ang mga kalaban, bumalik si Amihan na taglay ang sugat mula sa espadang kumitil sa buhay ng ama at bumagsak sya sa tabi nito.
Asnamon Voyanazar! Dumating na ang tulong mula sa Encantadia. Ang punong mandirigma ng isa sa mga kaharian at isa pang kasamahan ay ipinadala upang iligtas ang mag-ama. Tinungo nila ang tahanan ng mga ito. Nakita nila doon ang nawawalang mapa ng Encantadia ngunit hindi ang kanilang pakay.
Magpakatatag ka at maging matapang... Ipaghiganti mo ang nangyari sa ating angkan... Di ka nag-iisa; Meron kang inang naghihintay sa'yo... Ito ang huling mga salita at lihim na iniwan ni Raquim sa mahal nyang prinsesa, kanyang anak na si Amihan, bago ito tuluyang binawian ng buhay.
1 comment:
Ayos ba? Sorry for the delay... Lemme hear from you about my recap. I wanana know how you think... Thanks!
Post a Comment