Episode 2

Wala ng buhay si Raquim nang natagpuan sya nila Aquil. Isang pagpupugay ang nasambit nito para sa prinsipe. Sa tabi ng ama, si Amihan buhay ngunit walang malay kaya't inuwi nila ito pabalik sa Encantadia. Nasundan sila ng espiya. Nag-iwan ito ng palatandaan para sa kanyang panginoon sa parehong lagusan na dinaanan ng kawal ng reyna.

Nasa ibang mundo na si Amihan. Isang nilalang mula sa kwento ng kanyang ama ang nasilayan nya sa kanyang pagmulat. Wala na ang kanyang sugat ngunit wala na rin ang kanyang ama. Magpagayun pa man, di sya nag-iisa dahil kapiling na nya ang kanyang ina at mga kapatid. Isang awit ang muling nagpakilala sa kanya ng kanyang ina. Di man madali para sa kanya ang mga natuklasan, mas lalong di madaling matatanggap ng panganay na anak na si Pirena ang pagbabalik ng kapatid. Iginiit nyang hindi sya nito kapatid at di sya nito kikilalanin.

Tangan pa rin ni Amihan ang espada ng ama. Patuloy nitong pinaaalala ang kanyang sinapit at ang binilin sa kanya. Isa ito sa dahilan kung bakit gusto nyang maging reyna. Espada ang sagot para masugpo ang kasamaan, turo ng ama. Di sumang-ayon si Meni-a kaya pinasumpa nya ang anak na di na muling hahawak ng sandata. Labag man ito sa damdamin nangako sya at humingi ng tawad sa pagsuay sa bilin ng ama.

Sa pamamasyal ng mga prinsesa ay dumating ang mga Hathor. Pakay nilang dukutin si Ynang Reyna. Sa pamumuno ni Agane, tinugis nila ang apat na prinsesa, na gumamit naman ng kani-kanilang mga kapangyarihan para ipagtanggol ang mga sarili. Binalak ni Amihan na gamitan ang espada para ipagtanggol ang mga kapatid pero dumating si Imaw para protektahan sila.

Dumating na ang mga paru-paro, kailangan nang isa sa kanila ang humalili sa reyna. Nagtalu-talo sila kung sino ang dapat maging reyna kaya't tinukoy ni Aquil na malalaman lamang ito sa pamamagitan ng isang pagsubok.

Di karapat-dapat maging reyna si Pirena. May lihim sa kanyang pagkato ang kinukubli ng reyna sa lahat kahit sa kanyang tagapayo. Gusto nyang isa sa tatlo pang mga anak ang magtagumpay sa pagsubok. Ang pag-uusap na ito ay napakinggan ni Pirena ng palihim na ikinasama at nagpasidhi sa kanyang damdamin.

Pilot Episode

Nagsimula ang istorya kay Amihan, isang batang lumaki sa mundo ng mg tao. Batid nya ang kaibahan nila ng kanyang ama sa ibang tao ngunit hindi ito tuwirang ipinaliliwanag sa kanya. Hindi sya pinapayagang makipaglaro ni makihalubilo sa ibang mga bata. Sa halip na mag-aral sa paaralan at magbasa ng libro, pinilit sya ng ama na pag-aralan ang paghawak at paggamit ng espada at minsan nila itong pinagtaluhan.

Si Raquim ang ama ni Amihan, isang minero. Iba si Raquim sa kanyang mga kasamahan dahil palagi syang nakakakuha ng ginto, di gaya ng ibang minero. Nagkaroon ng usap-usapang may kaibigan syang dwende na nagbunsod sa pagkainggit ng ibang mga minero kaya't nisip nilang maghiganti. Binalak nilang saktan si Amihan pero di nila ito nagawa nang bigla itong nawala sa kanilang paningin na para bang sumama ito sa hangin.

Kinuwento ito ni Amihan sa ama. Nang nalaman ni Raquim ang nangyari, kinuha nya ang kanyang espada at binura sa alaala ng mga minero ang mga pangyayari sa pamamagitan ng mahika. Sa halip na ipaliwanag, binuklat nya ang mapa ng Encantadia at isinalaysay ang alamat nito; Ang apat na kaharian at ang apat na brilyanteng pinangangalagaan ng bawat isa, Ang digmaang pinasimulan ng isa sa mga kaharian laban sa tatlo pang iba upang masakop ito at makamkam ang mga brilyante, at kung paanong ang apat na brilyante ay bumagsak sa pangangalaga lamang ng iisang kaharian.

Isang babala ang natanggap ni Amihan sa kanyang panaginip. Isang magandang babae ang sumalo sa kanya mula sa pagkahulog at binalaan sila tungkol sa nakaambang panganib. Kailangan nilang tumakas ngunit dumating na ang mga kalaban. Gusto nilang umanib sa kanila si Raquim pero di ito pumayag kaya't naglaban sila na ikinasawi nya. Minalak ring paslangin ng mga kalaban si Amihan subalit nawala ito kasama ng hangin. Nang umalis ang mga kalaban, bumalik si Amihan na taglay ang sugat mula sa espadang kumitil sa buhay ng ama at bumagsak sya sa tabi nito.

Asnamon Voyanazar! Dumating na ang tulong mula sa Encantadia. Ang punong mandirigma ng isa sa mga kaharian at isa pang kasamahan ay ipinadala upang iligtas ang mag-ama. Tinungo nila ang tahanan ng mga ito. Nakita nila doon ang nawawalang mapa ng Encantadia ngunit hindi ang kanilang pakay.

Magpakatatag ka at maging matapang... Ipaghiganti mo ang nangyari sa ating angkan... Di ka nag-iisa; Meron kang inang naghihintay sa'yo... Ito ang huling mga salita at lihim na iniwan ni Raquim sa mahal nyang prinsesa, kanyang anak na si Amihan, bago ito tuluyang binawian ng buhay.

An inside look at Encantadia this Sunday

You’ve explored the website, you’ve seen the plugs… now… watch the primer that will definitely turn you into an Encantadia expert in no time.

“Sa Mundo ng Encantadia” is a 90-minute documentary produced by the award-winning team of I-Witness that takes viewers to a preliminary journey into the world of Encantadia. Dingdong Dantes, Karylle, Jennylyn Mercado, and Mark Herras will guide you through your journey.

The documentary is an insider’s look into the creative process of GMA’s latest primetime series, touted as the grandest, most ambitious, and most expensive project ever undertaken by a local TV network. It also highlights the artistry and craftsmanship of the people behind the series, as it pools together the best creative minds and talents in the Philippine TV industry today.

With a Php3-million budget, expectations were certainly very high. And the production team did not disappoint anyone, not the media, and especially not the big bosses of the network.

Included in the documentary are insightful interviews with the directors, writers, cast members, set and costume designers, and visual effects artists of Encantadia. Viewers will be treated to a visual feast as the documentary showcases Encantadia's fantastic sets and wardrobe, including the elaborately designed gowns and warrior costumes worn by Encantadia's lead stars. Equally impressive is the construction of a studio in a 2,000-square-meter warehouse in Pasigbelieved to be the first of its kind in Philippine televisionas well as the use of animatronic puppets and other visual wizardry never before seen on local TV.

Director Mark Reyes frankly admits to the media that the set for Encantadia is inspired by the Lord of the Rings series. He says, “without the LOTR, we will not have the framework that we used for the set.” But, the creativity and the ingenuity that was obviously utilized in theconstruction of this new land are entirely Filipino.

As if this the set, specifically constructed for Encantadia, is not enough, shoots continue at different locations. These include a mansion in Alabang, which will be the setting for the world of mortals and beautiful Daranak, used for the forest scenes.

Audiences will also be delighted to learn how the Encantadia cast, led by Dawn Zulueta, Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri, Nancy Castiglione, Pen Medina, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, and Dingdong Dantes prepared for their roles.This documentary shall provehow GMA's latest primetime offering is bound to set new standards in local TV production. After the success of Mulawin and the currently top-rating fantasy series Darna, GMA continues its commitment to its audiences by giving them only the best in entertainment programming, as embodied in the mammoth production of Encantadia.

“Sa Mundo ng Encantadia” will air this Sunday, May 1, on GMA’s Sunday Night Box-Office (SNBO), after Daddy Di Do Du. Encantadia will premiere on May 2 on GMA’s Telebabad block.

source: igma.tv